Friday , June 5 2026
Arrest Shabu

Parak na nasa drug watchlist tiklo sa buybust

NADAKIP ang isang pulis na kabilang sa drug watchlist sa isinagawang isang buybust operation ng mga tauhan ng PRO3 PNP sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes, 12 Mayo.

Ang operasyon ay lalong nagpalakas sa pinaigting na kampanya ng organisasyon laban sa ilegal na droga at internal cleansing.

Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jess Mendez, inaresto ang 28-anyos na suspek na may ranggong Patrolman dakong 11:49 ng umaga kamakalawa sa Purok 5, Brgy. San Jose, sa naturang lungsod.

Magkatuwang na isinagawa ang operasyon laban sa ilegal na droga ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Pampanga Police Provincial Office bilang lead unit, kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) at San Fernando CPS, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang humigit-kumulang 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P714,000.

Ipinaalam sa suspek ang kaniyang mga karapatan sa konstitusyon at dinala sa tanggapan ng PDEU, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang isampa sa hukuman laban sa suspek.

Binigyang-diin ni P/BGen. Mendez na ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng matibay na pangako ng organisasyon sa panloob na paglilinis at pananagutan sa loob ng hanay ng pulisya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …