IGINIIT ng mga sumugodnagrupo ng mga Manilenyo sa Senado na ituloy ang paglilitis sa ipapasang Articles of Impeachment ng kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pangunguna ni Boses ng Manilenyo Federation of Sectoral Organization President Benedict Montero, nagtungo sila sa senado upang manawagan na ituloy ang paglilitis kay impeached VP Sara.
Kasunod nito hiniling din ng grupo na sumuko na sa mga awtoridad si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng inilabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) bilang co-perpetrators sa kasong crimes against humanity kasama dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Montero, marapat na malaman ng
taong-bayan ang katotohanan ukol sa mga akusasyon laban sa bise Presidente.
Binigyang-diin ni Montero, panahon na upang harapin ni Dela Rosa ang reklamo matapos niyang magtago nang malaman niyang mayroong warrant of arrest laban sa kanya.
Nanindigan si Montero para sa hustisya at katotohanan sa ngalan ng sambayanan.
Nanawagan si Montero kay Senate President Alan Peter Cayetano na kanilang gawin ang mandato na dinggin ang reklamo laban sa bise presidente.
Idinagdag ni Montero, panahon na upang isuko si Dela Rosa habang nasa ilalim ng preventive custody ang senador. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com