Thursday , June 4 2026
Del Alimeri

Pulis-vlogger na nang-umbag ng esmi, sinibak

ISANG pulis ang tinanggal sa kanyang puwesto at dinisarmahan matapos itong mag-viral sa social media dahil sa pananakit sa kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Malolos City, Bulacan.

Kinumpirma ni PLt. Col. Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos City Police Station, na hindi nila kukunsintihin ang ganitong uri ng pag-uugali sa kanilang hanay.

Kinilala ng naturang opisyal ang pulis na si Del Alimeri, nakatalaga bilang duty driver ng Mobile Patrol 01 at kilala rin bilang isang vlogger sa internet.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang kanyang mga baril na inisyu kasama ang kanyang PNP Identification card, upang matiyak ang wastong kontrol at pananagutan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Isang Station Order naman ang inilabas kasunod nito na nagpopormal sa kanyang restrictive custody status.

Batay sa mga lumabas na video online, nagsimula ang tensyon nang komprontahin ng babae ang pulis dahil sa umano ay pambababae nito, ngunit itinanggi ito ng huli hanggang sa humantong ang kanilang pagtatalo sa pisikalan.

Bagama’t makikita sa CCTV na unang nanakit ang babae laban sa pulis, agad pa ring umaksyon ang mga awtoridad laban kay Alimeri habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Samantalang ang Women and Children Protection Desk (WCPD), sa pakikipagtulungan sa nagrereklamo, ay kasalukuyang naghahanda ng mga naaangkop na reklamong kriminal laban sa nasabing pulis.

Kasabay nito ay pinoproseso rin ng mga awtoridad ang pag-endorso para sa pagsasampa ng kaukulang mga kasong administratibo laban sa kanya.

Sa kasalukuyan ay naka-lock na ang social media accounts ng pulis-vlogger kasunod ng matinding reaksyon ng netizens laban sa kanya.

Binigyang-diin ni PRO3 Director Jess B Mendez na nananatiling matatag ang organisasyon sa pagpapatupad ng disiplina at pananagutan sa hanay ng pulisya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …