OPISYAL na nilagdaan ng Quezon City LGU sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Carlo Sotto, katuwang ang Triathlon Association of the Philippines sa ilalim ng pamumuno ni Tom Carrasco, kasama si Nico Carrasco, ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa idaraos na 2026 National Age Group Aquathlon sa Mayo 17, sa Amoranto Sports Swimming Pool.
Layon ng nasabing pagtutulungan na higit pang palakasin ang pagsusulong ng sports development para sa kabataan, pagtataguyod ng malusog na pamumuhay, at patuloy na pagpapalawak ng triathlon at aquathlon sa bansa.
Inaasahang dadagsa sa Quezon City ang mga atletang manggagaling sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa isang makasaysayan at punô ng aksyong kompetisyon sa paglangoy at pagtakbo. (TriPhil/HNT)
#NAGAquathlon2026 #TriathlonPhilippines #QuezonCity #Aquathlon #GrassrootsSports #OneQC #LabanPilipinas #QuezonCityLocalGovernment
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com