Thursday , June 4 2026
Alan Peter Cayetano Tito Sotto Bato dela Rosa

Sa bilang na 13-9-2
CAYETANO ‘NAKUDETA’ SI SOTTO
Bato nakaboto

051226 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

SA BOTONG  13-9-2 pabor kay dating Senate Minority Alan Peter Cayetano, nahalal siya bilang bagong senate president upang palitan ang nakaupong si Senator Vicente “Tito” Sotto III.

Kabilang sa mga sumuporta kay Cayetano ay ang kortesiyang boto ni Sotto, boto ng kapatid na si Senadora Pia Cayetano, boto ng mga senador na sina Loren Legarda, Imee Marcos, Camille Villar, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Christopher Lawrence “Bong” Go, Mark VIllar, Francis “Chiz” Escudero, at ang kapapasok na si Ronald “Bato” dela Rosa.

Samantala, siyam na boto ang nakuha ni Sotto na kinabibilangan nina Senadora Riza Hontiveros, Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Bam Aquino, Panfilo “Ping” Lacson, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Manuel “Lito” Lapid, at ang kortesiyang boto ni Cayetano.

Umiwas sa pagpabor o hindi pagpabor sina Senador JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.

Sa panunumpa ni Cayetano bilang bagong pinuno ng senado at sinanamahan siya ng kanyang kabiyak na na si Taguig City Mayor Lani Cayetano, kapatid na si Senadora Pia Cayetno, at ang nanguna sa kanyang panunumpa ay si Senadora Camille Villar.

Hindi naging madali ang pag-upo ni Cayetano dahil kailangan munang ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa senado bago ang naganap na botohan.

Tila tiniyak ang panalo ni Cayetano dahil biglang ‘lumutang’ sa sesyon si Dela Rosa na simula pa noong Nobyembre 2025 ay hindi dumadalo sa sesyon upang matiyak ang 13 boto.

                Bago makarating sa session hall, kinailangan tumakbo ni Dela Rosa mula sa garahe ng VIP upang ‘takasan’ ang aresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabing nagkasugat sa daliri si Dela Rosa sa naganap na habulan at ‘patintero’.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …