Thursday , June 4 2026
Senate Senado

Absenerong senador naghain ng panukala vs pakialamerong bansa

SA KABILA ng pagtatago at kabiguang magpakita sa gusali ng senado at dumalo sa sesyon ay nakapaghain ng panukalang batas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa pagbabalik ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong Lunes, nakita sa rekord ng senado na inihain ni Dela Rosa ang Proposed Senate Bill (SB) No. 2080 o ang Counter Foreign Interference Act na naglalayong parusahan ang pakikialam ng mga dayuhan sa bansa.   

Bukod sa inihain niyang Senate Bill No. 2079 o National Police Clearance System Act na naglalayong palakasin ang operasyonalisasyon ng sistema kabilang ang pagpapanatili ng centralized record ng lahat ng naiulat na crime incidents, warrant of arrest, mga larawan at personalized details ng mga inaresto at wanted persons.

Ang naturang dalawang panukalang batas ay nangangailangan ng orihinal na lagda ni Dela Rosa bilang may akda ng naturang panukala.

Magugunitang simula pa noong Nobyembre ng nakalipas na taon ay hindi na nagpakita pa sa publiko si Dela Rosa at hindi na dumadalo sa sesyon nang mapabalita na mayroong warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC) sa kasong crime against humanity kaugnay sa kontrobersiyal na drug war sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nahaharap sa kasalukuyan sa isang reklamo sa Senate committee on ethics si Dela Rosa dahil sa matagal na pagliban sa sesyon pero patuloy na tumatanggap ng suweldo.

Bukod dito, hiniling at inirerekomenda na hindi na muna dapat tumanggap ng suweldo ang senador dahil sa kanyang mga pagliban.

Pinagkokomento ang Senador ng nasabing Komite sa reklamo laban sa kanya ngunit hanggang sa kasalukuyan ay tila hindi pa naglalabas ng kahit anong sagot o tugon ang kampo ng senador ukol sa hinihinging paliwanag sa kanya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …