Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

P1.3-M droga nasabat 3 suspek timbog sa Munti, Taguig

DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlong indibiduwal, kabilang ang isang babae, na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga matapos makompiskahan ng P1.32-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu at marijuana, sa magkahiwalay na buybust operations sa mga lungsod ng Muntinlupa at Taguig nitong Sabado, 9 Mayo.

Sa Brgy. New Lower Bicutan, sa lungsod ng Taguig, inaresto ng pulisya ang babaeng suspek na kinilalang si alyas Babes, 49 anyos, nakatala bilang street-level individual.

Sa gitna ng operasyong isinagawa sa isang covered court, narekober ng pulisya ang 27.8 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P189,040 mula sa suspek; buybust money; at boodle money.

Nahaharap ngayon si alyas Babes sa mga kasong paglabag sa Sections 5 (sale) at 11 (possession of dangerous drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa lungsod ng Muntinlupa, inaresto ang dalawang lalaking suspek ng mga operatiba mula sa Southern Police District Drug Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan sa Muntinlupa CPS, sa isinagawang buybust operation sa isang parking lot sa Brgy. Alabang.

Kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina alyas Har, 29 anyos; at alyas Robery, 28 anyos, kapwa nakatala bilang mga high value individual.

Nasamsam mula kay alyas Har ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,020,000; buybust money; isang cellphone, at isang SUV.

Samantala, nasabat mula kay alyas Robert ang 1,000 gramo o isang kilo ng pinaniniwalaang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000; at 10 vape cartridge na may lamang likidong marijuana.

Nakatakdang sampahan ng pulisya ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Section 5, 11, at 26 (attempt or conspiracy) ng RA 9165.

Pinapurihan ni P/BGen. Glenn Oliver Cinco, SPD district director, ang tagumpay ng mga operasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …