I-FLEX
ni Jun Nardo
NANGGALING sa bibig mismo ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment na hindi nito bubuwagin ang Ash-Dres o Ashtine Olviga at Andres Muhlach loveteam.
Umingay ang haka-hakang solo-solo na ng career sina Andres at Ashtine nang huling humarap sa media ang huli para sa launching ng kanyang kanta, concert, at fragrance.
“Hindi bubuwagin ang Ash-Dres loveteam. Kailangan nilang mag-grow ang career pero hindi ibig sabihin eh tapos na!” deklara ni Boss Vic sa contract signing ng collaboration ng Viva Artist Agency at ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.
Karamihan sa pumirma ay mula sa pageant scene kabilang ang Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez pero may baguhang lalaki ring kasama sa partnership.
Nang tanungin si Boss Vic kung makikita ba ang girls sa VMX project. “Depende sa project ‘yan at nasa kanila ang desisyon kung gusto nila.
“Eh sasabihin ko na sa inyo na we’re putting up VMX Club soon sa isang kilalang hotel. Remember na Gerard Peter Model noon? Bubuhayin namin ang ganoong platform,”pahayag pa ni Boss Vic.
Pawang sexy models ang bumubuo ng Gerard Peter Model na roon nadiskubre ang ilan nating artista bago pumasok sa showbiz.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com