Thursday , June 4 2026
Fire

3 sunog sumiklab sa Metro Manila  
MAG-ASAWANG SENIOR CITIZEN,1 PA, PATAY SA SUNOG SA TAGUIG
5 negosyo tinupok sa QC

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayanang mag-asawang senior citizens, at isang lalaking sinabing kanilang kaanak sa sunog na sumiklab sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

                Umabot sa siyam ang sugatan sa nasabing sunog na sumiklab sa C6 Road sa Brgy. New Lower Bicutan, Taguig.

Nagsimula ang pagkalat ng apoy dakong 4:30 ng hapon sa Manuel L. Quezon (MLQ) St., at C6 Road, na ikinamatay ng mag-asawang 65 at 67 anyos at 42-anyos lalaking kamag-anak nila, habang ang walong sugatan ay isinugod sa Taguig City General Hospital at isa sa Bicutan Medical Center. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 34 pamilya ang apektado ng sunog habang tinatayang P1.5 milyon ang halaga ng mga nasirang bahay na pawang gawa sa light materials. Naapula ang apoy dakong 6:00 ng gabi.

Sa Barangay Bagumbayan, Taguig, dakong 7:00 ng gabi kamakalawa nang umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa bahay ng 11 pamilya. Tinatayang P2.5 milyon ang halaga ng mga napinsala.

Sa Quezon City, limang establisimiyentong komersiyanl ang nasunog sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa Don Antonio Drive dakong 4:45 ng madaling araw.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing establisimiyento. Kabilang sa mga naapektohan ang tatlong kainan, isang pet shop, at isang botika.

Iniulat na 30 fire trucks ang nagresponde habang itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dakong 4:57 ng madaling araw hanggang maapula ang apoy dakong 5:45 ng umaga. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …