Thursday , June 4 2026
Raphael Rapha Herrera Karate One Youth League TOPS
SINA RR Herrera, (L-R) at kaniyang anak na si Raphael "Rapha" Herrera at National coach Engene Dagohoy, inilahad ang paghahanda sa lalahukang Karate One Youth League sa kanilang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports forum nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa RMSC sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Herrera todo paghahanda Para sa Karate One Youth League

TODO ensayo at masinsinang paghahanda ngayon ang batang karateka na si Raphael Herrera para sa prestihiyosong Karate One Youth League kung saan makakaharap niya ang ilan sa pinakamahuhusay na batang karate athletes mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay national mentor Eugene Dagohoy, malaking oportunidad ito para maipakita ni Herrera at iba pang Pilipinong karateka ang kanilang kakayahan sa international stage.

“Mahalaga ang Karate One Youth League dahil dito makakakuha ng ranking points para sa world rankings,” ani Dagohoy sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports forum nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa RMSC sa Malate, Maynila.

Dagdag pa ni Dagohoy, mahalaga ang ranking points bilang bahagi ng qualification process patungo sa Olympics.

Isa si Herrera, 12-anyos at graduating Grade 6 student ng Abba’s Orchard School, sa mga inaasahang susunod na bituin ng Philippine karate.

Sinabi ni Herrera na inspirado siyang magsanay nang mabuti upang maipagmalaki ang Pilipinas sa international competitions.

“I’m training very hard every day because I want to improve my skills and make my family and coaches proud,” sambit ni Herrera sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commissionm Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat. “I know the competition will be tough, but I’m excited to compete against strong athletes from other countries.”

Ayon kay Dagohoy, nakatuon ngayon ang training ni Herrera sa pagpapahusay ng kanyang kata routines, consistency, disiplina at mental preparation bago sumabak sa world-level competition.

“Dedicated talaga siya sa training kahit bata pa. Marunong makinig at gustong laging mag-improve,” ani Dagohoy. “Malaking bagay ang ganyang attitude kung gusto mong magtagumpay sa international level.”

Ibinahagi naman ng kanyang ama na si movie actor RR i Herrera na hindi madali ang pagsabayin ang pag-aaral at matinding ensayo bilang isang student-athlete.

“Our support is vital for our child’s success. Of course, it can be expensive, but it is worth it once you see them happy and successful in the sport they love,” said Herrera. “To all parents, always be there for your children.”

“Hindi po madali kasi pagkatapos ng school derecho training agad,” ani Herrera. 

Ayon pa sa batang karateka, malaking aral sa kanya ng karate ang disiplina at tiyaga.

“Tinuruan ako ng karate maging disiplinado, magalang at masipag,” dagdag niya. “Kahit pagod na, tuloy pa rin ang ensayo dahil alam kong bawat training may improvement.”

Sinabi rin ni Herrera na inspirasyon niya ang mga international karate athletes kaya lalo siyang ginaganahang magsanay.

”I watch videos of top karate players and I try to learn from them,” Herrera said. “Someday, I want to compete regularly in international tournaments and represent the Philippines in bigger competitions.”

Nagkuwalipika si Herrera sa Karate One Youth League matapos manalo ng gintong medalya sa kata intermediate division sa ginanap na National Open noong nakaraang buwan sa Tagaytay City.

Noong nakaraang taon, nakakuha rin siya ng bronze medal sa 2nd Asian Youth Open Karate Championships sa China at nagwagi rin ng gintong medalya sa Batang Pinoy sa General Santos City.

Matapos ang Karate One Youth League, target naman ni Dagohoy na ihanda si Herrera para sa Thailand Open sa Agosto, Southeast Asian Championships at fourth leg ng Karate One Youth League sa Italy sa Disyembre.

Nagpasalamat din si Dagohoy sa Philippine Sports Commission at sa karate federation dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa mga atletang Pilipino na makalaban ang world-class athletes nang hindi kinakailangang gumastos nang malaki para makapaglaro abroad.

“Malaking resources ang kailangan sa training at competing abroad. Ngayon na dito gagawin ang competition, malaking tulong ito sa ating mga atleta dahil hindi na nila kailangang gumastos nang malaki,” ani Dagohoy. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …