Thursday , June 4 2026

Fake news si Meralco
4Ps ‘DI RASON NG BILL SHOCK – GATCHALIAN 

050826 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SINALAG ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang bintang laban sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na sinisisi sa isyu ng pagtaas ng singil sa koryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Giit ni Gatchalian, “fake news” ang pahayag na 4Ps ang dahilan ng mataas na bill noong Abril.

“Hindi 4Ps ang rason kung bakit lumaki ang singil noong April. ‘Yung bill shock na ‘yun nanggaling sa sarili nilang generation. Tumaas ang generation expense nila,” ani Gatchalian.

Paliwanag niya, maliit lamang ang konsumo ng koryente ng 4Ps households kompara sa mga residential at commercial users.

“Napakaliit lang ng kinokonsumo ng 4Ps. ‘Pag sinumatotal mo lahat, ang average niyan, wala pang kalahati ng sentimo ang napupunta sa lifeline rate, P0.40 centavos. Ibig sabihin wala pang kalahati sa isang sentimo… Kasi nga ang 4Ps halos wala namang appliances sa bahay… To the most isang electric fan at ilang bombilya. So hindi sila ang rason kung bakit sumipa nang ganoon kalaki,” dagdag niya.

Batay sa datos, nasa 135,411 4Ps households ang kasali sa Lifeline Rate Subsidy Program, kompara sa 8.11 milyong customers ng Meralco na binubuo ng residential, business, at industrial users.

Sa usapin ng panukalang pagrebisa sa Expanded Lifeline Rate Law, bukas ang DSWD sa pagbabago basta’t hindi ipapasa sa consumers ang dagdag gastos.

“Sangayon kami roon sa panukala, maliit lang ito dapat i-absorb na ng Meralco. At sana, kapag tinawag na kami, tatawagin kami sa Senado para i-revisit ang panukalang iyan, ako ang sasabihin ko, biro mo, sa laki ng kanilang sinisingil, dapat sana sila mag-absorb nito. Parang CSR na nila, ‘yung corporate social responsibility na nila,” pahayag ni Gatchalian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …