Wednesday , June 3 2026
Jennylyn Mercado Rhea Tan Beautederm Reverie

Jennylyn Mercado at Rhea Tan may payo sa mga career mom, Beautéderm Reverie Air & Fabric Freshener nagbabalik

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI Jennylyn Mercado ang mukha ng Beautéderm Reverie Air & Fabric Freshener. Ginanap ang contract signing last Wednesday sa Solaire North, Quezon City at present dito siyempre ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Kabilang sa napakabangong anim na scents na pagpipilian sa nagbabalik na Reverie Air & Fabric Freshener ay ang Cafe Aroma (coffee), First Ambience (green tea), Pure Serenity (warm vanilla), First Nostalgia (grapefruit citrus), Lily Lush (matcha), at Cloud Whisper (cherimoya).

Sa naturang event ay tinanong si Jennylyn hinggil sa tiwala niya sa produkto ng Beautedern.

Tugon ng aktres, “Si Ate (Rhea Tan), pamilya na sa akin ito… tulad ng sabi niya, wala pa ako sa Beautéderm, mayroon na kaming communication. Lalo na ngayon na ninang siya ng anak ko at endorser niya rin ang asawa ko.

“Siyempre iyong trust ko naman sa Beautéderm, unang-una iyong quality, quality ng lahat ng produkto na ginagawa ng Beautéderm ay maaasahan. Very reliable, consistent… na simula noon, seventeen years na, hanggang ngayon, consistent ang mga produkto, hindi nagbabago.”

Nabanggit din ng aktres ang kanyang tatlong favorite scent ng Reverie.

Sambit ni Jen, “Mayroon akong tatlong favorite, iyong Cloud Whisper, Pure Serenity, at Cafe Aroma. Kinukuwento ko kay Ate, sabi ko, ‘Ang bango-bango ng Cloud Whisper, nakaka-relax siya.’

“Iyong kapag gusto mo nang mag-relax, matulog, gusto mo nang maupo, manood na lang ng TV, ganoon, puwede mong i-spray sa sofa, puwede mong i-spray sa mga unan ninyo, sa comforter ninyo, sa air puwede rin.

“Iyong Cafe Aroma naman, gustong-gusto ko siya, kasi amoy cafe. So, parang naaamoy mo pa lang, hindi ka pa nagka-cafe pero para ka nang nag-cafe, nagising ka na agad, na-enegized ka na. Iyong Pure Serenity, ganoon din ang feeling para sa akin, na mare-relax ka at ang bango-bango na parang ang linis-linis.”

Bakit mahalaga sa kanya na mabango lagi ang kanilang tahanan?

“Kasi, hindi ba kapag mabango ang bahay, parang ang linis niya at nakaka-relax? At kapag mabango, marami kang naaalala na emotions, marami kang mga naaalalang memories. Depende kung ano iyong scent na ipinabango sa kuwarto. Importante siya, nakaka-set siya ng mood, nakaka-uplift siya.”

Since Mother’s Day na sa Sunday at kapwa sila working mom, ano ang career advise nila sa mga working mothers?

Esplika ni Ms. Rhea, “Kaya namang balansehin talaga. Pero ako po kasi talaga, mga bata muna. Especially lagi ko ngang sinasabi kay Jen, ‘Si Dylan, maliit pa, i-enjoy niya’. Kasi ang bilis talagang lumaki ng mga bata ngayon. Ngayon, may sariling mundo na rin iyong mga anak ko.

“Kaya lagi kong sinasabi, iyong pera, nahahanap iyan, e. Pero ‘yung time natin na kasama ang mga anak natin, i-enjoy natin iyon. Kasi nga napakabilis ng panahon. Imagine-in mo, parang laro-laro ko lang itong Beautedern, pero sa August ay seventeen years na siya.”

“So, ngayon ay malapit na ring magtapos (ng pag-aaral) ang aking anak at kasama ko na siya sa negosyo. Actually, silang dalawa…,” pakli pa ng lady boss ng Beautéderm.  

Ito naman ang ipinahayag ni Jennylyn,

“I agree ate sa mga sinabi mo, ang bilis ng panahon, napakabilis lumaki ng mga bata. Maganda na nae-enjoy muna nila, pero siyempre, aminin natin na mahirap ang buhay. So, kailangan nating bumalik talaga sa trabaho, kailangan nating bumalik sa mga careers natin.

“Wala namang problemang bumalik sa career, basta ang importante ay hindi mo napapabayaan ang pamilya mo. Madali namang balikan ang career anytime, kung gugustuhin mo. Depende na iyon sa kung paano mo babalansehin ang oras mo, at hahatiin ang oras mo para sa mga anak mo, para sa trabaho mo,” wika pa ng misis ni Dennis Trillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …