Thursday , June 4 2026
Gun poinnt

Sa loob lamang ng 10 oras…
ISA SA NAMARIL NG RESIDENTE SA PAMPANGA PATAY SA ENGKUWENTRO

NAGSAGAWA ng follow-up operation ang pulisya sa Pampanga at matagumpay na natunton ang isang tinukoy na suspek na may kaugnayan sa isang insidente ng pamamaril na naganap sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga nitong Mayo 4, 2026.

Sa inisyal na ulat na ipinadala kay PColonel Eugene M.Marcelo, police director ng Pampanga PPO, bandang alas-12:42 ng hapon, isang insidente ng pamamaril ang naganap sa 2nd Street, Barangay Lourdes, Lungsod ng San Fernando, kung saan ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala habang naglilinis ng imburnal sa harap ng kanyang tirahan.

Batay sa salaysay ng mga saksi, tatlong hindi nakikilalang lalaking suspek na sakay ng magkahiwalay na motorsiklo ang dumating sa lugar.

Isa sa mga suspek ang agad na lumapit at binaril ang biktima gamit ang isang hindi matukoy na kalibre ng baril bago tumakas patungong Barangay Dolores.

Agad na dinala ng mga rescue personnel ang biktima sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital para sa medikal na paggamot.

Mablis namang naglunsad ng malalimang imbestigasyon ang mga rumespondeng tauhan ng Pampanga PPO , kabilang ang CCTV backtracking, flash alarm dissemination, at pinaigting ang hot pursuit operations.

Bandang alas-9:40 ng gabi ng parehong araw, isang joint follow-up operation na binubuo ng mga tauhan mula sa City of San Fernando CPS, PIU Pampanga, RID3-IOP Pampanga, SWAT Pampanga, PIT Pampanga, at RIU 3 ang isinagawa sa Riverside, Sitio Pangulo, Barangay Del Carmen, City of San Fernando, Pampanga, matapos na positibong matukoy ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng CCTV footage.

Sa operasyon ay sinasabing pinaputukan ng natukoy na suspek ang mga papalapit na law enforcement operatives nang walang anumang probokasyon.

Napilitan ang mga operating personnel na gumanti ng putok, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Agad na pinapunta sa pinangyarihan ang mga rescue unit, habang ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay nagsagawa ng crime scene processing at pagkuha ng ebidensya.

Patuloy ang pagtugis at pagkilala ng Pampanga PPO sa mga natitirang suspek, habang isinasagawa ang karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng insidente ng pamamaril. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …