Thursday , June 4 2026
DRT Doña Remedios Trinidad Bulacan

Top 4 MWP ng Bulacan, arestado ng DRT PNP

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang most wanted person sa antas panlalawigan at munisipal na nahaharap sa kasong panggagahasa sa Brgy. Camachile, DRT, Bulacan kamakalawa.

Ayon sa ulat ni PCpt. Marc Henry SJ. Gonzales, hepe ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station, kinilala ang akusado na isang 42-anyos na lalaking caretaker, nasa Top 4 Most Wanted sa provincial level at Top 1 Most Wanted Person sa municipal level, na residente ng Sitio Durumugan, Brgy. Kalawakan, DRT, Bulacan.

Siya ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng DRT MPS Tracker Team at RIU 3 Bulacan West sa bisa ng Alias Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na inisyu ni Judge. Jonathan Patrick Ayon-Ayon De Ala, Presiding Judge ng RTC Branch 18, Malolos City, Bulacan noong Agosto 1, 2021 na may rekomendasyong “No Bail.”

Matapos maaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang naaayon sa Konstitusyon gayundin ang Miranda Rights at kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng DRT MPS para sa kaukulang disposisyon at pagbabalik ng nasabing warrant sa korte na naglabas nito.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng matatag na paninindigan na protektahan ang mamamayan at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan,” pahayag ni PColonel Jay B Baybayan, officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …