RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY closure na naman pala sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Naghiwalay ang magkasintahan last year at sa recent episode ng Fast Talk With Boy Abundaikinuwento ng Sparkle star na nagka-usap sila ni Paul sa bachelor party ni Mikoy Morales last February.
“We talked, okay naman.
“I’m not gonna deny, it was still painful. Masakit pa rin pero ‘yung usap namin na ito compared to our breakup last year is so much better.
“I found myself saying to him dito sa usap na ito na parang ito ‘yung gusto kong usap last year.
“Sabi ko sa kanya noon, ito ‘yung kinailangan kong closure last year.
“Akala ko nga hindi ko na makukuha but at least nakuha ko pa rin.”
Pagbababahagi pa ni Mikee, nasa mas maayos na kalagayan na siya ngayon.
“Along the way, looking back, I was not just grieving us, the relationship. I also grieved a version of myself, ‘yung Mikee na ‘yun na was with Paul.
“I don’t think I can go back to her. I love who I am now,” pahayag pa ni Mikee.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com