ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAGSASABOG ng kakaibang pampagana ang hot na hot na sexy actress na si Margaret Diaz. Mapapanood siya sa pelikulang “Barurot 2” na sinasabing most daring movie ng dalaga.
Sa mediacon ng nasabing pelikula, inusisa ang sexy actress kung pangangatawanan na ba niya talaga ang pagiging Bagong Pantasya ng Bayan.
“Grabe! Ang bigat po ng title na iyon, pero ang masasabi ko lang, mas wild si Margaret Diaz sa Barurot 2,” nakatawang bulalas ni Margaret.
Aminado ang magandang talent ni Ms. Len Carrillo na may pressure sa kanya kapag binabansagang Bagong Pantasya ng Bayan.
Aniya, “Siyempre nape-pressure po ako, pero hindi naman to the point na parang nagkakaroon ng negative impact sa akin.
“Pero sina direk po – sina Direk Roman at direk Quiel Dela Cruz, sa movie po na ginawa namin ngayon, talagang inalis po nila ako sa comfort zone ko. Hindi ko talaga ine-expect na ganoon kalala iyong mga love scene, pero nag-intimate pa rin po talaga. Pero talagang walang-wala iyong mga naipakita ko sa movie na ito, sa mga previous movies ko po.”
Gaano ba siya ka-sexy sa pelikulang ito?
Esplika niya, “I would say po na talagang, sabi ko nga, talagang umalis po ako sa comfort zone ko. Kasi, kung sa mga naunang movies ko po ay wild ang napanood sa akin, siguro mas wild na wild po si Maya rito, ‘yung character ko po sa movie.
“Kasi, hindi ko ine-expect na magiging ganoon ka-wild iyong mga intimate scenes na gagawin ko rito. Talagang hindi siya komportable, pero it’s something new na ginawa ko… na mapapanood po ninyo sa movie na ito,” nakangiting paniniyak pa ng sexy actress.
Nagkuwento pa siya hinggil sa kanilang movie.
Sambit niya, “Ang story po nito, about po kasi ito sa buhay ng mga tricycle drivers, like kung paano sila nai-in love po. And from the word barurot po, ayon po iyong harurot, in other term. Iyong barurot naman po, parang slang naman na parang may multiple partners po si Barurot King na si JC Tan, na nagpo-portray po sa character ni Marco.
“May drama rito at love story na mapapanood nila rito, iyon po ang story line ng movie. Hindi lang po mga intimate scenes ang aabangan nila sa movie namin, talagang na-execute ito nang maayos at maganda and exciting po ‘yung mga characters po rito nina Maya, Ralph, at Marco, ang baruruot king.”
Nagpaalam ba siya sa kanyang pamilya sa pagsabak niya sa ganitong genre ng sexy movies?
Tugon ni Margaret, “Fortunately naman po, iyong mom ko ay very supportive po… na all throughout po sa journey ko rito sa VMX, talaga pong binibigyan ko po siya ng way para ma-guide niya ako. Talagang open po ako sa kanya, even sa mga intimate scenes ko po, talagang sinasabi ko po sa kanya.
“Through that po, parang mas nagiging comfortable ako na mag-work sa ganitong industry. Kasi alam kong may mama ako, na may naggagabay po sa akin. Na parang sa support lang po ng mom ko, I feel na ano na, very unstoppable.
“Na regardless kung ano po ang criticism ng ibang tao, wala akong pakialam, kasi hindi naman sila ang nanay ko. Iyong nagva-value lang sa akin ay iyong opinion ng mama ko. Iyon lang po.”
Sa April 28, 2026 ang simula ng streaming ng Barurot 2, exclusively sa VMX PH.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com