Thursday , June 4 2026
MUREC naghatid ng pag-asa at pagmamalasskit sa Bahay Tuluyan ng mga Bata sa Cavite

MUREC naghatid ng pag-asa at pagmamalasskit sa Bahay Tuluyan ng mga Bata sa Cavite

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Buong pusong nagkaisa sa layuning tumulong at magbigay pag-asa, matagumpay na nagsagawa ng community outreach ang Magiting Unang Republika Eagles Club (MUREC) noong 24 Abril 2026 sa Bahay Tuluyan ng mga Bata (Home for the Girls) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD Region IV-A).

Layunin ng aktibidad na maghatid hindi lamang ng food packs at simpleng handog, kundi pati ng oras, pakikinig, at malasakit sa mga batang babae na dumaan sa mabibigat na karanasan.

Serbisyong may  puso

Sa pamamagitan ng simpleng kuwentohan, sabayang pagkain, at personal na pakikisalamuha, naiparamdam sa mga bata na sila ay mahalaga, pinapakinggan, at hindi nag-iisa.

“Ang tunay na serbisyo, hindi lang sa kung anong naibibigay—kundi kung paano tayo nagpapakita ng malasakit at respeto sa kapwa,” pahayag ni NCR 70 Governor Kuya Ian Francisco.

“Saludo ako sa mga nagbahagi at sumuporta mula sa MUREC, kung di dahil sa kanila, hindi natin ito maisasagawa, dagdag ni Kuya Gov Ian.”

“Hindi lang ito outreach—ito ay presensiya. Pakikinig, pag-unawa, at pagpapaalala sa kanila na may mga taong handang sumuporta sa kanilang pagbangon,” dagdag ni MUREC incoming President Kuya Mark Ona.

Higit pa sa isang  araw ng pagtulong

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Eagles Club sa pagbibigay suporta sa mga komunidad—hindi lang sa pisikal na pangangailangan kundi pati sa emosyonal na aspekto ng paghilom at pag-asa.

Bawat ngiti, bawat kuwento, at bawat sandaling pinagsaluhan ay patunay na ang malasakit ay may kapangyarihang magbigay lakas at bagong simula.

Tungkol sa MUREC

Ang Magiting Unang Republika Eagles Club sa ilalim ng NCR 70 ay isang civic organization na nakatuon sa community service, volunteerism, at nation-building sa pamamagitan ng konkretong aksiyon at malasakit sa kapwa. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …