Thursday , June 4 2026
BOARDING Haus Roomies

Bagong riot na sitcom mapapanood sa D8TV

RATED R
ni Rommel Gonzales

BOARDING Haus, ang official sequel ng hit digital series na Roomies. Hatid ng NKO Films Original Series.

Ang Boarding Haus ay isang mas pinatinding barkadahan na puno ng puso, katatawanan, at relatable na kuwento tungkol sa pagkakaibigan, pag-ibig, buhay at pakikisama sa ilalim ng iisang bubong.

Mula sa creative minds na nagbigay buhay sa Roomies, mas pinaigting ang konsepto, mas pinaganda ang dynamics, at mas pinasarap ang bawat eksena para sa mas malalim na koneksiyon sa audience. 

Kung minahal ninyo ang samahan ng unang barkada, tiyak mas mamahalin ninyo ang bagong pamilya na bubuo sa Boarding Haus.

Ang serye ay umiikot sa buhay ng magkakaibigang magkakasama sa isang boarding house, isang lugar na nabubuo ang samahan, nagkakaroon ng tampuhan, nagkakaisa sa problema, at higit sa lahat, sama-samang tumatawa sa bawat kabaliwan ng buhay.

Pinangungunahan ng bagong henerasyon ng barkada si Alden Co bilang Alden, ang geeky tenant ng boarding haus na hopeless romantic at certified torpe. Sa kabila ng pagiging awkward at mahiyain, dala niya ang puso ng isang tunay na lover boy na tiyak na malare-relate ang maraming manonood.

Kasama rin ang original best friends mula sa Roomies na sina Mac na ginagampanan ni Charles Temones, at Khiester na ginagampanan ni Khiester Bernardino. Ang kanilang matibay na pagkakaibigan ay magdadala ng classic comedic chemistry na unang minahal ng manonood.

Hindi rin mawawala ang original Roomies characters na sina ATHA, played by Mara Quevedo at JV, played by JV Villaraza, na ngayon ay sila na ang namamahala sa buong boarding haus. 

Bilang mas matured na bersiyon ng kanilang mga karakter, ipakikita nila ang hamon ng responsibilidad habang pinananatili ang kanilang pagiging fun-loving personalities.

Magbibigay naman ng bagong kulay at kilig sa kuwento ang mga bagong tenant na sina Issa, played by Trisha Malvar at ang masungit pero charming na chinita na ginagampanan ni Jasmine Mendoza. Ang kanilang presensya ay magdadala ng bagong dynamics, tensyon, at romantic possibilities sa loob ng bahay.

Makakasama pa rin sa serye ang ilan sa mga paboritong personalidad na unang nakilala sa Roomies kabilang sina Jack Daniel Burgos, Rismon Delsoccoro, at Trixie Malang, na patuloy na magdadala ng signature humor at memorable moments sa show.

Ang Boarding Haus ay likha ng mga musikerong sina Direk Niokz Arcega at Ms. Gela Quevedo ng bandang Android-18 at Mr. Anjo Inacay ng bandang Silent Sanctuary, na nagbibigay ng kakaibang creative direction sa serye.

Ang musika ng sitcom ay isa sa pinaka-inaabangan dahil ito ay isinulat ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at tinugtog ng legendary OPM band na Soapdish. Ang kombinasyon ng iconic songwriting at nostalgic sound ay magbibigay ng perfect vibe sa bawat eksena ng serye.

Isinulat ni Ms. Gela, pamangkin ng yumaong mahusay na writer-director na si Direk Uro Dela Cruz ang bawat episode kaya siguradong maganda ang kwento. Ang official music direction ay pinangunahan ni Sir Anjo, na nagdagdag ng emotional depth sa overall tone ng show. Mula sa director ng twisted comedy director na si Direk Niokz Arcega na nakilala bilang director ng wild comedies gaya ng Loserswith Ara Mina at He’s Dating a Boldstar with Malupiton

Ang Boarding Haus ay hindi lamang sitcom kundi isang representasyon ng modern Filipino youth na puno ng pangarap, kalokohan, struggles, at moments na tunay na sumasalamin sa tunay na buhay ng magkakaibigan.

Sa bawat episode, matutunghayan ang iba’t ibang sitwasyon na kinakaharap ng barkada mula sa love life problems, financial struggles, misunderstandings, career pressures, hanggang sa simpleng kwentuhan na nauuwi sa riot na tawanan.

Ipinakikita ng serye na ang boarding house ay hindi lamang tirahan, kundi isang lugar na nabubuo ang panghabambuhay na samahan.

Idinisenyo ang Boarding Haus para sa digital audience na naghahanap ng content na relatable, nakatatawa, at may puso. Ito ang sitcom na kayang sabayan ang lifestyle ng online viewers — madaling panoorin, madaling mahalin, at madaling i-share sa barkada.

Ang serye ay patunay na umuunlad ang online Filipino entertainment at kayang makipagsabayan sa international digital content pagdating sa kalidad ng storytelling at production value.

Kilalanin at sundan ang buhay ng inyong bagong online barkada sa loob ng iisang bahay. Mas riot, mas masaya, mas unforgettable ang kanilang adventures sa Boarding Haus sa new episodes every week, Sunsay, 7:00 p.m. exclusively sa D8TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …