MATABIL
ni John Fontanilla
STAR-STUDDED ang Ika-50 kaarawan ng actor/talkshow host na si Toni Co na ginanap sa Blushmyt Bistro noong April 7, 2026.
Ilan sa mga celebrity na dumalo sina Sylvia Sanchez, Ice Seguera, Jenny Miller, Eian Rances, Dexter Doria, Marnie Lapuz, Al Gatmaitan, Cecil Paz, Dawn Dupaya, ang mga direktor na sina Will Fredo, Julius Alfonso, Danni Ugali, Mardy Mardy Buniol Planas, at sina Richard Hiñola, Kyle Sarmiento at marami pang iba.
Wish ni Toni na magtagumpay ang kanyang bagong talk show na Talk Express at kapayapaan sa buong mundo.
“Wish ko for my birthday is for the success of ‘Talk Express with Toni Co’ and of course, world peace—may all wars finally come to an end.”
Nagpapasalamat din si Toni sa mga taong dumalo, bumati, at nakaalala sa kanyang kaarawan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com