Thursday , June 4 2026
Franklin Yee Merry Joy Trupa Duathlon
NANGUNA si Franklin Yee (gitna) sa men's elite sprint category, pangalawa si John Patrick Ceron at pangatlo si Maynard Pecson ng National Age Group Duathlon na ginanap sa Villar City, Las Piñas nitong Linggo. Sa women's division nagreyna si Merry Joy Trupa (gitna), kasunod si Lady Samantha Jhunace Corpuz at pangatlo si Dhana Victoria Lomboy. Personal na pinangasiwaan ni TriPhil president Tom Carrasco ang torneo. (HENRY TALAN VARGAS)

Trupa, Yee wagi sa duathlon; sasabak sa Singapore T100

NAGPAKITANG-GILAS sina Merry Joy Trupa at Franklin Yee matapos dominahin ang elite sprint category ng National Age Group Duathlon na ginanap sa Villar City, Las Piñas nitong Linggo.

Nasungkit ni Yee, 23, ang kampeonato makaraang tapusin ang 5km run–20km bike–2.5km run sa oras na 56:20, sapat upang maidepensa ang kanyang titulo.

“Masaya ako na naipagtanggol ko ang titulo,” ani Yee.

Pumangalawa si John Patrick Ciron (56:43), habang pumangatlo si Maynard Pecson (58:56).

Sa women’s division, muling nagreyna si Trupa sa oras na 1:06:51, tinalo sina Lady Samantha Jhunace Corpuz at Dhana Victoria Lomboy.

“Masaya ako sa panalo. Tuloy lang ang pag-improve,” pahayag ni Trupa.

Nakatakdang sumabak sina Trupa, Yee at Pecson sa Singapore T100 triathlon sa Abril 25–26.

Samantala, nagwagi si Hermogenes Branzuela sa men’s junior elite, habang nanguna sina Anisha Eunice Caluya, Candace Marie Socito at Scottie Lee Awitan sa women’s category sa  torneo na sinuportahan ng Philippine Sports Commission.

Ang National Age Group Duathlon ay bahagi ng grassroots at talent identification program ng Triathlon Philippines na pinamumunuan ni Tom Carrasco Jr. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …