Thursday , June 4 2026
No Firearms No Gun

Kelot tiklo sa baril at bala

NADAKIP ang isang lalaki na nakompiskahan ng baril at mga bala sa isinagawang search warrant operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado de Gloria, 4 Abril.

Ayon kay P/Lt. Col. Reyson Bagain, hepe ng San Jose Del Monte CPS, ipinatupad ng mga operatiba ang search warrant sa Brgy. Muzon East, sa naturang lungsod, na tuluyang ikinadakip ng suspek na kinilalang si alyas Bern, 52 anyos, residente sa nasabing lugar.

Inilabas ang search warrant ni Executive Judge Ma. Cristina G. Juanson, ng San Jose del Monte RTC Branch 5 – Family Court.

Sa isinagawang paghahalughog, nakompiska ng mga operatiba ang isang improvised caliber .22 firearm na walang serial number at markings, isang magazine ng caliber .22, at tatlong piraso ng live ammunition ng parehong kalibre.

Dinala ang nakompiskang mga piraso ng ebidensiya sa SJDM Forensic Satellite Office para sa ballistic examination habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek.

Pinagtibay ni P/Col. Jay Baybayan, officer-In-charge ng Bulacan PPO, ang patuloy na pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa ilegal na pagmamay-ari ng mga baril bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …