Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Gang leader na sangkot sa 2025 Trillion Peso March riots, timbog sa Nueva Ecija

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang lider ng gang na sangkot sa 2025 Trillion Peso March riots sa bayan ng Guimba, lalawigan ng Nueva Ecija, dahil sa magkahiwalay na kasong kriminal.

Kinilala ang suspek sa alyas na Primo, at pinaniniwalaang pinuno ng Temple Street Gang, na ang mga miyembro ay kabilang sa mga naaresto dahil sa pag-uudyok ng kaguluhan sa panahon ng mga protesta.

Ayon kay NCRPO Regional Director P/Maj. Gen. Anthony Abedrin, ang posibleng papel ni alyas Primo ay tila pinuno ng gang, gayon man, wala pa silang nakakalap na ebidensiyang pisikal na siya’y naroroon sa pinangyarihan.

Dagdag ng opisyal, bilang pinuno, dapat managot ang suspek sa mga aksiyon ng kaniyang grupo, at pinaniniwalaan na may kaalaman siya sa mga pangyayari noong September 2025 Trillion Peso March.

Inilinaw ni Aberin na si alyas Primo ay inaresto sa bisa ng isang warrant para sa pagnanakaw na may pananakot at pagpatay, at hindi direkta para sa kaniyang pagkakasangkot sa mga kaguluhan sa protesta.

Ayon sa pulisya, 12 taon nang nagtatago ang suspek bago tuluyang nadakip.

Dagdag ng opisyal, mahalaga ang pagkakaaresto sa suspek dahil isa siyang lider ng gang at sangkot siya sa maraming kaso.

Nasa kustodiya ngayon ng NCRPO si alyas Primo habang patuloy ang pangangalap ng mga awtoridad ng ebidensiya na maaaring mag-ugnay sa kanya sa Trillion Peso March riots. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …