Thursday , June 4 2026
PNP CIDG

Sa Bulacan at Pampanga
Substandard na suka, patis, mantika at ilegal na kutson nasamsam

NAGSAGAWA ang CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) sa pakikipagtulungan ng mga yunit ng pulisya ng isang operasyon sa pagpapatupad ng batas sa Brgy. San Jose, Paombong, Bulacan na nagresulta sa pagkaaresto ng isang babaeng suspek, at pagkompiska sa mga galon ng mantika, suka, at patis na nagkakahalaga ng P698,660.

Sa ulat na ipinarating kay P/MGen. Robert Morico II, direktor ng CIDG, nakasaad na ang suspek na kinilalang si alyas Merry, ay huli sa aktong nagbebenta at nangangalakal ng mantika, suka, at patis na hindi nakarehistro malinaw na paglabag sa RA 9711 (Food and Drugs Administration Act of 2009) at RA 7394 (Consumer Act of the Philippines).

Binigyang-diin ni P/BGen. Morico, alinsunod sa RA 9711, ang paggawa, pag-angkat, pagbebenta, pag-aalok para sa pagbebenta, pamamahagi, paglilipat ng mga produktong pangkalusugan at pagkain nang walang rehistrasyon at awtorisasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA) ay ipinagbabawal.

Ang pamamahagi at pagbebenta ng substandard na mantika sa pagluluto ay isang malinaw na paglusot sa mga kinakailangan ng gobyerno sa mga pamantayan ng kaligtasan sa pagkain.

Napag-alaman na dahil ang mga produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA, ang kalidad at kaligtasan nito ay hindi masisiguro.

Kasunod ng operasyon, pinuri ng pamunuan ng CIDG si P/Lt. Col. Rafael Lero, ang acting chief ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) para sa pagsugpo sa kalakalan ng mga produktong pangkonsumo pero hindi sumusunod sa batas.

Nagsagawa rin ang CIDG Regional Field Unit 3 – Special Operation Team, CIDG Pampanga Provincial Field Unit, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Trade Industry (DTI) ng search warrant sa isang bodega sa Brgy. Sta.Maria, Minalin, Pampanga.

Kaugnay ito ng kasong paglabag sa RA 7394 (Consumer Act of the Philippines) na nagresulta sa pag-aresto sa dalawang Chinese national, at pagkompiska sa 1,956 piraso ng iba’t ibang foam at kutson na nagkakahalaga ng P5,051,130.

Ayon sa ulat kay P/MGen. Morico, ang mga naarestong suspek na kinilalang sina alyas Shao at alyas Lin ang may-ari at tagapamahala ng bodega.

Naaresto ang mga suspek habang nagtitinda at nangangalakal ng foam at kutson—na hindi sumusunod sa mga minimum na kinakailangan at pamantayan sa paglalagay ng label para sa mga produktong pangkonsumo na itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI).

Binigyang-diin ni P/BGen. Morico na pinoprotektahan ng estado ang interes ng mga mamimili, itinataguyod ang kanilang pangkalahatang kapakanan, at nagtatatag ng mga pamantayan ng pag-uugali para sa negosyo at industriya.

Pinuri ng pamunuan ng CIDG si P/Col. Grant Gollod, ang regional chief ng CIDG Regional Field Unit 3 at ang CIDG Pampanga Provincial Field Unit sa pangunguna ng Provincial Officer nito na si P/Lt. Col. Marlon Cudal sa pagsugpo sa kalakalan at negosyo ng mga produktong pangkonsumo na hindi naaayon sa pamantayan ng batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …