Thursday , June 4 2026
Rodolfo Ompong Tan Neil Clark Ongchangco

Kilalang Baguio citizen, photojourn patay sa trahedya sa ilog

BAGUIO CITY — Kilala sa kanyang mga kuhang retrato, si Rodolfo “Ompong” Tan, isang prominenteng Baguio lensman, 2022 Outstanding Citizen of Baguio awardee, at kinikilalang haligi ng komunidad, ay namatay dahil sa grabeng pinsala sa ulo nang tangayin ng malakas na agos ang kanilang sasakyan habang tumatawid sa Agno River sa bahagi ng Itogon, Benguet nitong nakaraang Biyernes ng hapon.

                Ang grupo ni Tan ay nagkaloob ng libreng pagkuha ng retrato para sa mga magsisipagtapos na estudyante sa Tabu Elementary School.

                Hindi rin nakaligtas sa nasabing insidente ang Inquirer photo correspondent na kinilalang si Neil Clark Ongchangco, naunang iniulat na nawawala ngunit natagpuan pagkatapos ng pitong oras sa ibabang bahagi ng Barangay Dalupirip.

Si Ongchangco, 39 anyos, isang city hall employee na nakatalaga sa Public Information Office, ay nakitang kumakaway at humihingi ng tulong habang tumatagilid ang sasakyan matapos tangayin nang halos 10 metrong dumadaluyong na agos.

Ino-operate ni Ongchangco ang drone habang si Tan ay nakatalaga sa pagtawid sa ilog.

                Tumalon siya sa ilog ngunit natagpuan ng mga pulis at ng mga naunang nagresponde dakong 7:00 pm, na may grabeng pinsala rin sa ulo. Naulila niya ang kanyang aswang si Maria Joanne, ang kanilang 6-anyos na anak.

Apat katao sa loob ng sasakyan ang nakaligtas kabilang si Inquirer contributor Eliza Consul, Laurente Ren Muñoz, 45; Conrado Rotor, 66; at Randy Benigno, 49.

Hinatak si Tan, 68, mula sa driver’s seat ng mga residenteng sumaklolo sa lugar, ngunit idineklarang dead on arrival sa Itogon District Hospital dakong 3:35 p.m. dahil sa traumatic brain injury.

                Kilala si Tan sa pag-ooranisa ng mga outreach missions sa malalayo at mga liblib na lugar, kadalasa’y kasama ang mga kapwa photographers upang idokumento at suportahan ang mga lokal na inisyatiba.

“I’ve been part of his team that coached children (with autism) in photography and journalism,” sabi bi dating Inquirer Luzon photojournalist Edgardo “EV” Espiritu.

Mas madalas umano na mapaghamong terrain ang mga lugar na kanilang napupuntahan.

“That river in Dalupirip was the only access to the school. There was no bridge there. But the river occasionally grows stronger from surges coming from the mountains,” pagbabahagi ni Espiritu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …