Friday , June 12 2026
Pink Sisters
TAIMTIM na nananalangin ang isang Pink Sister sa St. Joseph’s Adoration Convent—kung saan ang 24 oras o walang hanggang panalangin sa loob ng sagradong santuwaryo ay tungkuling ginagampanan ng mga madre.

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul

ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana Santa ay ang Pink Sisters Convent—isang santuwaryo ng katahimikan at panalangin na mainam puntahan sa Visita Iglesia.

Ang Visita Iglesia ay isang tradisyong Katoliko ng mga Filipino tuwing Huwebes Santo, kung kailan binibisita ang pito o 14 na simbahan upang magnilay sa pagpapakasakit ni Hesukristo.

Para sa mga naghahanap ng payapang lugar na malayo sa ingay ng lungsod, bukas ang Pink Sisters Convent sa Tagaytay at Baguio City

Matatagpuan ang kumbento sa Holy Spirit Drive, Barangay Maitim 2nd East, Tagaytay at sa Brent Road, Baguio City na  kilala bilang kanlungan ng katahimikan kung saan maaaring magnilay at manalangin nang taimtim.

Para naman sa mga taga-Metro Manila na magsasagawa ng Visita Iglesia—kahit naglalakad o nagbibisikleta—maaari rin isama sa kanilang panata ang St. Joseph Convent of Perpetual Adoration sa New Manila. Isa rin itong kilalang lugar ng taimtim na panalangin at pagninilay.

Sa mga kapilyang ito, maaaring magsumite ng panalangin at mga kahilingan ang mga deboto na ipinagdarasal ng mga madre ng Sister Servants of the Holy Spirit of Perpetual Adoration, isang kongregasyong nakatuon sa walang tigil na pagdarasal at pagsamba.

Nakasuot ng kulay rosas na abito—simbolo ng kagalakan sa Espiritu Santo—ang mga madre ay nagpapatuloy sa 24-oras na pag-aalay ng panalangin sa harap ng Banal na Sakramento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Asia Pacific Padel Cup APPC Padel Pilipinas

Pilipinas nakatakdang mag-host ng Asia Pacific Padel Cup 2026

HANDA na ang lahat para sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2026, habang naghahanda ang …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted na manyakis, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa …

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …