Thursday , June 4 2026
Palawan ProtekTODO,pinalalakas ang proteksyon sa biyahe sa abot-kayang travel insurance

Palawan ProtekTODO,pinalalakas ang proteksyon sa biyahe sa abot-kayang travel insurance

PINALALAKAS ng Palawan Group of Companies ang proteksyon ng mga Pilipinong manlalakbay sa pamamagitan ng Palawan ProtekTODO Travel Insurance—isang abot-kaya at madaling kuning insurance na tumutugon sa karaniwang aberya sa biyahe gaya ng delayed flights, nawalang bagahe, at kanselasyon ng biyahe.

Sa halagang nagsisimula sa ₱39 at may coverage na lampas ₱1.5 milyon, layunin ng programa na mabigyan ng praktikal na seguridad ang parehong solo travelers at mga pamilya, lalo na’t marami pa ring Pilipino ang hindi kumukuha ng travel insurance dahil sa haka-hakang may kamahalan o hindi kailangan.

Ayon kay Palawan Group President at CEO Karlo M. Castro, bahagi ng misyon ng kumpanya ang gawing simple, abot-kaya, at accessible ang travel protection para sa mas maraming Pilipino.

“At Palawan Group of Companies, everything we do is guided by our commitment to serve Filipinos with genuine care. As more Filipinos embrace travel for  family leisure, and new opportunities, we recognize that protection is just as essential as convenience. We aim to make travel protection simple, affordable, and within reach so Filipinos can move forward with confidence, knowing they are prepared for the unexpected,” pahayag ni Castro.

Suportado ang ProtekTODO ng Alliedbankers Insurance Corporation bilang underwriter, na nagbibigay ng teknikal na kakayahan at maaasahang sistema para sa mabilis na claims processing. Sa isang kaso, agad na natanggap ng isang biyahero ang kanyang claim matapos maiwan ang kanyang bagahe sa connecting flight—isang patunay sa episyenteng serbisyo ng programa.

Binigyang-diin naman ni Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo ang kahalagahan ng travel insurance, aniya, nagbibigay ito ng kapanatagan ng isip at dagdag na kumpiyansa sa bawat biyahe.

“Mas nae-enjoy mo ang paglalakbay kapag alam mong handa ka sa anumang maaaring mangyari,” aniya.

Batay sa datos ng Bureau of Immigration, umabot sa 15.6 milyong passenger arrivals ang naitala noong 2025, patunay ng patuloy na paglago ng international travel ng mga Pilipino. Kasabay nito ang pangangailangan sa proteksyon laban sa mga di inaasahang aberya na maaaring magdulot ng dagdag gastos.

Upang mas mapalawak ang access, iniaalok ang ProtekTODO sa pamamagitan ng malawak na network ng Palawan Pawnshop–Palawan Express Pera Padala, gayundin sa digital platforms tulad ng PalawanPay app, Lazada, at Shopee.

Iginiit ni Chief Business Development Officer Lisa Castro-Sabado na layon nilang maabot maging ang mga nasa malalayong lugar at mapataas ang kamalayan na ang travel insurance ay hindi lamang para sa international trips, kundi para sa bawat uri ng paglalakbay.

Sa temang “Patingi-tingi ang Presyo pero Todo ang Benepisyo,” layunin ng Palawan ProtekTODO na gawing mas ligtas, mas handa, at mas panatag ang bawat biyahe ng Pilipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …