Thursday , June 4 2026
na sabungan sa Vitas Tondo bubuwelta umano sa CIDG

Sinalakay na sabungan sa Vitas Tondo bubuwelta umano sa CIDG!!?

NAKATAKDANG buweltahan ng operator ng sinalakay na sabungan ang ilang miyembro ng premyadong unit ng PNP Criminal Investigation Detection Group(CIDG) dahil sa naganap na raid kamakailan sa Coliseo de Manila sa Vitas Tondo Maynila.

Ayon sa pahayag ni Alvin de Leon, operational staff ng nabanggit na sabungan ay  pinag-aaralan na ang mga posibleng reklamo na isasampa laban sa CIDG .

Iginiit ni De Leon na wala aniya nakuhang ebidensiya ang CIDG kaya nagpalabas ng resolusyon ang Manila Prosecutors office na “Release for further Investigation”(RFI) ang 28 staff ng sabungan na dinakip sa naturang raid.

“Kumpleto po ng mga kaukulang permit ang Sabungan, Pinasok nang wala manlang po Search Warrant ang raid at wala rin po talagang online sabong dito, may mga tellers po kami may resibo tuwing taya at ang camera ay para sa led monitor sa loob lang po ng coliseo!” Paglilinaw pa ni De Leon.

Idinagdag pa nito na mahigit 50 personnel ng CIDG ang kabilang sa naturang pagsalakay na wala aniya manlang naipakitang Search Warrant subalit naglabas-masok sa sabungan.

Matatandaan na bumandera kamakailan sa mga balita ang tila matagumpay na operasyon ng CIDG kung saan mahigit 140 ang binitbit kasama ang mga mananaya dahil sa nagaganap di-umano na online sabong sa area, taliwas sa mariing paglilinaw ng coliseo.

Sa naturang bilang ay pinauwi ang mga mananaya at 28 personnel lamang ang isinalang sa proseso kabilang ang mga babaeng tellers.

Nabatid na may 70.mamahaling panabong na manok rin umano ang nawala bukod pa sa hindi tukoy na halaga ng pera.

Base sa ilang tellers na kasama sa pinalaya ng piskalya matapos ang pagaresto ng CIDG, wala anilang iligal sa loob ng naturang sabungan sa araw-an nilang pagta-trabaho roon.

“Dito po kami nabu-buhay sa sabungan ilang taon na, may mga booth po sa loob kaming mga tellers may resibo bawat taya, wala pong online sabong dito!” Pahayag pa ng ilang tellers na nakapanayam ng media.

Giit pa nila na ang nasabing sabungan ay ilang taon nang nag-ooperate at dinarayo na rin ng mga malalaking grupo o kilalang mga sabungero mula sa probinsya.

Samantala, kinokondena at kinuwestiyon ng mga maralitang empleyado ng sabungan ang patuloy na pagbabantay ng mga di-unipormadong pulis mula sa CIDG sa kabila nang RFI na kasong inihain sa piskalya.

Muling giit ni De Leon na ang naturang sabungan ay walang nilalabag na anumang batas at lehitimong nago-operate simula 2022 na may kaukulang permit

Sinubukan kapanayamin ang mga pulis na nakabantay sa entrada ng sabungan subalit kapwa hindi nagbigay ng komento at tikom ang bibig sa dahilan ng kanilang pananatili sa area.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …