RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAPOS maging PBB housemate ay bibida naman soon sa GMA Afternoon Prime si Sparkle star Anton Vinzon. Tuloy-tuloy ang pagiging action star ni Anton mula sa Mga Batang Riles hanggang sa kanyang first lead role sa upcoming series na Kamao.
Makakasama niya rito sina Amy Austria, Neil Ryan Sese, Wendell Ramos, Bruce Roeland, content creators Abdul at Marsy, Katrina Halili, at ang real-life dad ni Anton na si Roi Vinzon.
Gaganap si Anton bilang Makmak, isang binatang nangangarap na maging champion sa boxing. Pero hindi lang laban sa ring ang haharapin niya kundi pati na rin ang hamon sa buhay, pamilya, at pag-ibig. Tanong tuloy ng proud and excited fans ni Anton, sino kaya ang magiging love interest niya sa kuwento?
Abangan ang lahat ng ‘yan sa GMA Afternoon Prime.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com