Thursday , June 4 2026
QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkonsumo ng koryente, ayon sa ulat nitong Miyerkoles.

“In response, the QCPD has implemented the Energy Conservation Program (ENERCON), ensuring that critical energy facilities are closely monitored and protected to maintain uninterrupted operations,” batay sa inilabas na pahayag ng QCPD.

Bilang bahagi ng programa, ang paggamit ng mga air-conditioning units (ACUs) at electric water dispenser ay limitado sa mga karaniwang araw mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, kung kailan ang lahat ng ACU ay naka-off sa oras ng tanghalian, katapusan ng linggo, at holiday.

Papalitan ang mga non-inverter ACU ng mga unit na inverter para sa mas matipid na enerhiya.

Ang mga computer, IT equipment, at iba pang mga de-koryenteng device ay gagamitin lamang para sa mga opisyal na function.

Habang ang mga lighting system sa mga gym, hallway, grandstands, streetlights, at iba pang hindi mahahalagang lugar ay naka-off kapag hindi ginagamit.

Hinihikayat din ng QCPD ang paggamit ng solar-powered lighting sa mga perimeter area ng mga estasyon ng pulis, mga kampo, mga patrol car blinker, at iba pang mahahalagang kagamitan.

“These measures reflect the QCPD’s dual commitment to public safety and responsible energy use. They highlight the vital role of law enforcement in protecting both people and essential infrastructure while supporting national initiatives for sustainable energy,” dagdag sa pahayag. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …