Thursday , June 4 2026
Warrant of Arrest

Most wanted rapist ng Ermita, nasakote sa Bulacan

ISINILBI ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa isang lalaki na may kasong panggagahasa at kabilang sa most wanted person sa pinagtataguan nito sa Brgy. San Jose, Bulakan, Bulacan.

Sa ulat ni PLt.Colonel Rodelisa P San Buenaventura, hepe ng Bulakan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang naarestong akusado na si alias “Leo,” 56 taong gulang, nakatala bilang Most Wanted Person Rank No. 2 Station Level ng Ermita Police Station 5, Maynila at residente ng Brgy. San Francisco, Bulakan, Bulacan.

Ang pagsisilbi ng nasabing warrant ay isinagawa ng tracker team ng Bulakan MPS laban sa akusado para sa kasong Rape Through Sexual Assault in relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. C-118915.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Glenda Cabello Marin, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 124, Caloocan City noong Abril 11, 2023.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at agad na dinala sa Bulakan MPS para sa kaukulang dokumentasyon.

Ang akusado ay ililipat sa kustodiya ng Malolos City Police Station para sa pansamantalang safekeeping bago ibalik sa hukuman na naglabas ng warrant of arrest para sa tamang disposisyon ng kaso.

Binigyang-diin ni PColonel Angel L. Garcillano, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy ang pinaigting na operasyon ng kapulisan laban sa mga wanted person upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …