Thursday , June 4 2026
airplane middle east

8 OFWs mula Middle East sinalubong, inayudahan sa Kapitolyo ng Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Naging instrumento ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando, sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO), sa pagpapauwi sa walong Overseas Filipino Workers (OFWs) na tumakas sa nagaganap na tensiyon sa Gitnang Silangan.

Sa pagdating ng walong OFWs sakay ng chartered plane mula sa Riyadh, Saudi Arabia patungong Villamor Air Base sa Lungsod ng Pasay, dinala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga Bulakenyong OFW, kasama ang kani-kanilang pamilya sa gusali ng Kapitolyo, kung saan binigyan sila ng P10,000 perang tulong at dalawang kabang bigas, food packs, at kahon ng prutas ng The People’s Governor.

Sinabi ni Fernando na masaya siyang nakauwi ang mga bagong bayani nang buo at ligtas.

“Welcome back po mga minamahal naming mga Bulakenyo. Ang isipin po natin ngayon kung paano tayo nagkatuwang-tuwang at magkakatulong-tulong habang nandito po kayo,” anang gobernador.

Iminungkahi niya, na habang patuloy ang tensiyon sa ibang bansa, maaaring lumahok ang mga nakauwing OFW sa buwanang job fair ng Pamahalaang Panlalawigan upang makahanap ng trabaho na tutugon sa kanilang kasanayan.

Samantala, ibinahagi ng Puno ng PPESO na si Inh. Egbert R. Robles ang karanasan kung paano naglakad sa dilim nang 12 oras ang mga OFW upang humingi ng tulong na hindi alam kung makauuwi ba sila nang ligtas.

Samantala, nagpasalamat ang isa mga repatriated OFW sa gobyerno ng Filipinas, kabilang ang Philippine Embassy sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagtulong sa kanilang paglikas at ligtas na biyahe pauwi ng bansa.

“Sa haba po ng biyahe na pinagdaanan namin by land na hindi po namin alam kung ano po ang mangyayari sa amin. Thank you din po, Gov, sa tulong pinansiyal. Malaking bagay po ito sa pagbabalik namin dito sa Filipinas, malaking tulong po ito para sa amin,” aniya.

Nagbigay rin ng tulong pinansiyal si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamamagitan ng OWWA at DMW. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …