MATABIL
ni John Fontanilla
LUMIPAD ng South Korea ang mag asawang Megan Young at Mikael Daez kasama ang kanilang anak na si Leon para manood ng comeback concert ng BTS.
Ibinahagi ni Megan sa kanyang Instagram ang mga larawan habang nasa airport at may caption na, “I am over the moon to just be in Seoul with my family and then I get to watch OT7 live for the first time ever.”
Bakasyon at bonding na rin ito nina Megan at Mikael kasama ang kanilang anak na si Leon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com