MA at PA
ni Rommel Placente
PAGKATAPOS tanghalinh Big Winner sa season 2 ng PBB Celebrity Collab Edition ay nabili na ni Caprice Cayetano ang kanyang dream car.
“Masayang-masaya po ako na nakabili na ako ng car na magagamit ko na po sa taping and ‘yung family ko rin po maisasakay ko po sa car na ‘yun,” ang sabi ni Caprice sa panayam ng 24 Oras.
Sa tanong kung ano-ano ang mga nagbago sa kanyang buhay after PBB, sagot niya,“Ang nagbago po after ng ‘PBB’ ay mas lumaki po ‘yung pamilya ko, dahil ‘yung fans ko, itinuturing ko pong pamilya. Kaya masasabi ko po na lumaki ang family ko.
“At nakatutuwa po kasi, kapag umaalis kaming mga housemate, nakikita po namin sila. Mga guesting, ang aga-aga, kaya maraming salamat po sa inyong mga effort.
“Masaya po ako dahil naging reward ko rin po ‘yun para sa sarili ko,” sey pa niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com