Thursday , June 4 2026
DMW Department of Migrant Workers Middle East

Airstrike sa Saudi ipinaskil sa socmed Pinoy inaresto 

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang inaresto sa Saudi Arabia nang kanyang ipaskil sa social media ang mga video footages ng airstrike.  

Ayon kay Department of Migrant Worker (DMW) Undersecretary Bernard Olalia, humingi ng tulong ang OFW sa mga awtoridad sa Filipinas kaugnay ng ginawang pag-aresto sa kanya.

Tiniyak ni Olalia na ang gobyerno ay patuloy na magbibigay ng tulong sa lahat ng Pinoy na apektado ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Tinukoy ni Olalia ang mga nakadetine sa Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE).

Muli niyang pinaalalahanan ang mga OFW sa Middle East, partikular sa Saudi Arabia at UAE, na iwasang mag-post o mag-share ng mga video footages ng airstrike at iba pang sensitibong insidente sa social media.

Nauna rito, kinompirma ng Philippine Embassy na dalawang OFW ang nadetine sa UAE dahil sa pagpapaskil ng missile attacks sa gitna ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …