Thursday , June 4 2026
Scam fraud Money

Scammer na ex-brgy. admin, timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang dating opisyal ng barangay na may kinakaharap na kaso sa hukuman sa pinagtataguan nito sa Villa Zaragoza Subdivision, Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Pinangunahan ni PLt.Colonel Jordan G. Santiago. hepe ng Marilao Municipal Police Station, ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay alyas “Ferdinand”, na dating barangay administrator sa Brgy. Loma de Gato, Marilao.

Si alyas ‘Ferdinand” ay kabilang sa listahan ng Other Wanted Person (OWP) kaugnay ng kasong Qualified Theft na walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Kasunod ng kanyang pagkakaaresto, maraming residente sa Marilao ang lumantad at nagreklamo na sila ay na-scam ni alyas “Ferdinand” kaugnay ng negosyo umano nito sa pagbebenta o pagpapalago ng manok.

Ayon sa mga complainant, sinasabing nangako si alyas “Ferdinand” ng kita mula sa naturang negosyo ngunit hindi na naibalik ang kanilang ipinuhunang pera hanggang ang akusado ay nagtago na.

Kasunod nito ay nananawagan ang ilang residente na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa iba pang posibleng biktima ng akusado habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng nasabing kaso.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng kinakailangang dokumento ay inihahanda para sa wastong disposisyon at para sa kaukulang turnover sa hukuman na naglabas ng nasabing warrant. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …