Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat.

Napakarami ng mga cruise both Asian and Inrernational na dumadaong na sa ating mga pier o ports.

Kaya naman kapag may travel expo gaya ng ginanap sa World Travel Expo, nagbu-book na ng mas maaga ang mahihilig maglakbay at makaranas naman ng kakaibang trip.

At ang madalas nga na masama sa tour ay ang mga entertainer. Gaya ng mga sikat na napapanood sa comedy bars na gaya ng Klownz at Vice Comedy Club.

Nauna na ang trio nina Dax Martin, AJ Tamiza, at Boobsie Wonderland sa Route 1.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sa Route 2 nina Marya Sunga, Janel, at Tuesday Vargas.

Sa Okinawa, Japan sa Ishigaki ang unang dock. At kinabukasan naman sa Keehlung para mag-ikot sa Taiwan.

On board sa Costa Serena Cruise, day 1 pa lang ay napakarami na ng activities na magagawa. At para sa gaya kong mahilig sumayaw o mag-zumba, dalawang beses sa isang araw ito ginaganap. At minsan, tatlo pa.

May misa rin tuwing tanghali.

So much fun talaga. Para sa mga mahilig mag-travel.

At kung nasa bucket list, talagang gagawin mo para matupad.

 Nasa cruise rin namin ang mag-asawang Jopay at Joshua Zamora.

Sina Tuesday ay nagbigay ng aliw sa may 3,000 guests ng barko. 

Sa mga tsikahan, na-korner ko naman si Tuesday habang nakikisaya kami sa White Party ng second night.

Nakilala namin ang  matalinong si Tuesday (yes, UP grad sya) sa showbiz hanggang sa maging homemaker at domestikada na rin.

Mahusay kumanta. Naging miyembro ng Put3Ska na banda. Nagho-host. Umaarte rin mula 1998 to 2000.  

She carved her own niche. Speaks her own mind.

Naging matatag. Pero syempre dinaratnan din ng mga hamon ng buhay. Noon ngang pandemya, nagamit nito ang pagiging green thumb niya. Kaya nga nang lumaon, ‘di nito naging problema ang mga kailangan niya sa pagluluto. Dahil pinipitas na lang sa mga paso niya.

Ang pagiging masinop ay nasa sistema na ni Tuesday. Investments and everything.

Isang mapagmahal na nilalang. Who gives her heart and soul sa taong mahal niya.

But some relarionships are more challenged.

Let’s put it this way, she’s starting to build a new life now.

Kaya nga dahil sa pag-anyaya ng isang matagal ng fan ay ginawa niya na tulungan ang mascot ng Jollibee na mag-host sa party ng anak ng fan sa Laguna.

That went viral. Kaya sabi niya pwede na rin siyang tumanggap ng labada as host sa children’s party. Tuwang-tuwa ang fan niya. Pwede naman daw pala ang ganon.

Looking at the silver lining. Yes Tuesday carries on with the path she is crossing today.

Mas matatag. Filled with optimism and positivity.

Kaya naman saan man siya makarating, sa ikot  niya lang sa napakalaking barko ng Costa Serena, ‘di lang marami ang nakakakilala sa kanya. Alam ng lahat na taga-UP siya. Alam ng lahat na matalino siya.

Kaya ‘di pwedeng wala siyang puntahan. Nasa barko man o sa lupa. Her talent will never fade.

She’s got her own brand of  making people laugh and think din in some ways.

So, next time. Kayo naman ang sumakay sa Costa Serena, baka sa next route makasama niyo pa rin siya! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …