PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero.
Sa pinag-uusapan ding video and photos nila ni Juliana Gomez, wala man lang yatang nagbigay ng paborableng komento.
Pinalalabas pa nilang oportunista ito dahil mukha raw sa Forbes na ito maninirahan if ever magkatuluyan sila ng dalaga nina Richard Gomez at Lucy Torres.
Hindi rin nila inalis sa cager ang “dugyot” description at may ilan pang kahit ang pagiging graduate rin nito sa UP Diliman ay nakuwestiyon pa.
Ang video-photos na pinag-uusapan ay nakunan ng ilang netizen kaugnay ng Lubao International Balloon and Music Festival sa Pampanga kamakailan.
Kasama pa nila si Maja Salvador na ipinagpapalagay ng marami na either nakatabi lang daw nila o sadyang may konek bilang may artist management ang aktres.
Anyway, mapapanood sa naturang video na very sweet ang dalawa na magka-holding hands habang nakatayo si Maja at tila nag-eenjoy sa music ng Parokya ni Edgar.
May nagkomento pa na tila kiniss pa raw ni Ricci ang dalaga nina Cong. Richard at Mayor Lucy.
Nakakaloka, pero FYI lang sa mga basher noh, mayroon din namang “kakayahan” si Ricci sa buhay. May matagumpay na negosyo naman sila ng pamilya niya. Hindi naman ito pobre o basta nagtapos lang sa kung saan dahil may ‘utak’ din naman ito.
Bakit ba kayo nangingialam sa buhay pag-ibig nila? They are of age to decipher their emotions and mental state noh hahaha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com