MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner up Miss Universe 2025 Ahtisa Manalo ang showbiz, na pumirma ng kontrata sa GMA Sparkle kamakailan.
Isa sa wish nito ay makatrabaho si Alden Richards na inaming crush niya.
Napanood daw ni Ahtisa si Alden sa Eat Bulaga at dito na siya nagsimulang magka-crush sa binata at ito rin ang pangarap niyang maging leading man sa gagawin niyang proyekto sa GMA.
Tsika ni Ahtisa, “Puwede po ba ‘yong leading man na mas matangkad ako o mas matangkad siya?” tanong niya bago sagutin ang tanong.
“Ako, I’ve seen before, I used to watch ‘Eat Bulaga’ and my crush before, there was a segment there, si Alden Richards.
“So my dream leading man is Alden Richards.
“He has a maamo face. A face that’s looks like he’s very kind,” wika pa ng beauty queen.
Mukhang ‘di naman malabong makapareha ni Ahtisa si Alden dahil pareho silang nasa GMA at pareho rin silang under ng Sparkle management.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com