Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes

1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars

3 n.h. – 3B vs Alpha Insurance

5 n.h. – Criss Cross vs Savouge

HANGAD ng Criss Cross na maulit ang panalo habang determinadong makabawi ang Savouge sa muli nilang paghaharap sa Spikers’ Turf Open Conference preliminaries ngayong Biyernes sa FilOil Playtime Centre.

Ito ang ikalawang pagtatagpo ng dalawang koponan sa loob ng anim na araw matapos dominahin ng King Crunchers ang Spin Doctors noong nakaraang Linggo sa pamamagitan ng sweep na tinampukan ng malakas na panalo sa ikatlong set. Magsisimula ang kanilang laban alas-5 ng hapon.

Bagama’t nabigo, nagpakita ng tapang ang Savouge sa unang dalawang set kung saan naging dikit ang laban, lalo na sa Set 2 bago tuluyang nanaig ang composure ng Criss Cross sa extended rally.

Ngunit naging ibang usapan ang ikatlong set nang ipakita ng King Crunchers ang kanilang lakas, klase at pino na laro.

Mahalaga ngayon para sa Savouge ang tamang adjustments, lalo na sa mga sandaling dikitan at puno ng pressure. Hinahanap pa rin ng Spin Doctors ang ganap na chemistry ng koponan, lalo na sa closing stretch ng mga set.

Pinangunahan ni dating Cignal ace Louie Ramirez ang Savouge sa naitalang 16 puntos habang mahusay ang naging ugnayan niya kay Shawie Caritativo. Nag-ambag naman ng siyam na puntos ang middle blocker na si JP Bugaoan upang magbigay ng presensya sa net.

Gayunman, kinapos ang suporta ng iba pang manlalaro.

Limang puntos lamang ang naitala ni Mark Calado matapos makaranas ng ilang mishits, habang sina Giles Torres, Hero Austria, Madzlan Gampong at Louis Gamban ay nagposte ng mababang produksyon.

Samantala, maagang nagpakitang-gilas ang Criss Cross.

Bagama’t nananatiling pangunahing scorer si Jude Garcia, nagbigay rin ng malaking ambag ang rookie na si Alche Gupiteo na lalong nagpapatatag sa frontline ng King Crunchers.

Agad na nagpakitang-gilas ang dating UST beach volleyball standout sa kanyang debut para sa Criss Cross at kinilala pa bilang Player of the Week.

Bukod sa kanyang scoring, malaki rin ang ambag ni Gupiteo sa reception at depensa sa net.

Ang kanyang 14 na puntos laban sa Savouge—na mas mataas pa sa 13 ni Garcia—ay indikasyon ng mas malalakas pang laro sa hinaharap.

“Pareho pa rin ang ginagawa namin sa ensayo at sa laro. Kapag nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin, mas nagiging maganda ang performance namin sa court,” ani Garcia.

Nag-ambag naman ng tig-walong puntos sina Noel Kampton at Lloyd Josafat habang may pitong puntos si Paul Colinares.

Dahil dito, marami pang kailangang ayusin ang Spin Doctors—lalo na sa depensa—kung nais nilang makabawi laban sa kampeon ng Invitational Conference.

Samantala, target ng AEP-Cabstars ang panalo kontra winless VNS Griffins sa alas-1 ng hapon upang makuha ang ikatlong panalo sa anim na laro at mapalakas ang tsansa sa semifinals ng torneo na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Alpha Insurance, Arena Plus, Black Mamba at Premier EMS.

Susubukan din ng Alpha Insurance Protectors (3–3) na ulitin ang kanilang three-set win laban sa 3B Event Masters (2–4) sa alas-3 ng hapon upang manatili sa ikatlong puwesto. Ngunit inaasahang lalabas na agresibo ang Event Masters upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa sa semifinals. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …

QC Middle East

Task Force AGAP–QC OFW binuo ng QC-LGU para sa mga Pinoy sa ME

BUMUO ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ng isang special inter-agency task force para …