Thursday , June 4 2026
P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa Sitio Agbalite, Barangay Harrison, bayan ng Paluan, lalawigan ng Occidental Mindoro, nitong Martes, 10 Marso.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines – Southern Luzon Command, natagpuan ng kanilang mga tauhan ang kontrabando matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay ng isang twin-engine speedboat na sumadsad sa dalampasigan.

Narekober mula sa speedboat ang 43 sako ng pinaniniwalaang shabu, isang Star Link communication device, 8 bengala, 3 fire extinguishers, 4 baterya, 2 life jacket, at 2 salbabida.

Nakatakdang sumailalim sa beripikasyon at pagsusuri sa laboratoryo ang mga nasamsam na kontrabando habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …