Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang mga big time na tulak sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Sto. Domingo, lungsod ng Quezon, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 11 Marso.

Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, isinagawa ang operasyon dakong 3:10 ng madaling araw kahapon sa Biak Na Bato St., sa nabanggit na barangay, ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service (SES), PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) Quezon City District Office, PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit – NCR.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Eli, 28 anyos, residente sa Baliwag, Bulacan; at alyas Rolando, 42 anyos, taga-lungsod ng Caloocan, kapwa rider ng motorcycle taxi.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tinatayang 21 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa plastic container, buybust money, isang Toyota Hi-ace Grandia, sari-saring ID, mga cellphone, at digital weighing scale.

Pahayag ni Nerez, posibleng ipakakalat ang nasabat na ilegal na droga sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 26 (Conspiracy to Sell) sa ilalim ng Article II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …