Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang pulis sa Guiguinto, Bulacan sa pamamagitan ng koordinadong hot pursuit operations na isinagawa kamakalawa, 10 Marso.

Nahuli ang mga suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Bulakan at Obando, Bulacan, kulang 48 oras matapos ang insidente.

Natukoy sa imbestigasyon ang sinasabing gunman bilang isang dismissed police personnel na dating nakatalaga sa Obando, habang ang isa pang suspek ay nagsilbing driver at kasabwat sa krimen.

Pinangunahan ng pinagsanib na puwersa ng Guiguinto MPS, PIU Bulacan, PIDMU, Bulakan MPS, Obando MPS, 1st PMFC, PECU Bulacan, RSOG3, at RIU3 ang operasyon na nagresulta sa pagkakarekober ng mga baril, bala, granada, motorsiklo, at iba pang ebidensiya.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Guiguinto MPS habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong murder at frustrated murder sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Sinabi ni PRO3 Director PBGEN Jess B. Mendez, ang mabilis na pagkaaresto sa mga suspek ay sumasalamin sa malakas na koordinasyon ng mga yunit ng pulisya sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …