Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
QC Middle East

Task Force AGAP–QC OFW binuo ng QC-LGU para sa mga Pinoy sa ME

BUMUO ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ng isang special inter-agency task force para protektahan at tulungan ang mga QCitizen overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng tumitinding tensiyon sa Middle East.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 5 s-2026, binuo ni Mayor Joy Belmonte ang Task Force AGAP–QC OFW (Assistance, Guidance, Advocacy, and Protection of QCitizen Overseas Filipino Workers).

Kasabay nito, inatasan ni Mayor Belmonte ang Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) na pangunahan ang koordinasyon sa national government agencies para sa pagsubaybay sa sitwasyon ng mga migranteng manggagawa na apektado ng gulo sa Middle East.

Ang task force ay magsisilbing mekanismo ng lokal na pamahalaan para sa crisis response. Makikipagtulungan ito nang malapitan sa mga pambansang ahensiya ng gobyerno upang i-monitor ang sitwasyon, magbigay ng agarang tulong, at mapabilis ang ligtas na pagpapauwi ng mga QC OFW na maaaring maapektohan ng sigalot.

“We want to assure our QCitizens in the Middle East that they are not alone during this time of crisis,” pahayag ni Mayor Belmonte.

“Ang ating lokal na pamahalaan ay nakikipag-ugnayan na sa mga pambansang ahensiya upang matiyak na matatanggap nila ang kaukulang tulong at proteksiyon. Hinihimok natin ang ating mga kababayan sa ibang bansa na manatiling mapagmatiyag at unahin ang kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang sitwasyon,” dagdag ng Alkalde.

Batay sa pinakahuling datos, hindi kukulangin sa 1,400 QCitizens ang kasalukuyang naninirahan sa iba’t ibang bansa sa Middle East, kabilang ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Qatar, Bahrain, Oman, Israel, Lebanon, at Jordan.

Bukod sa repatriation, ang Task Force AGAP–QC OFW ay mandato rin magbigay ng komprehensibong suporta gaya ng psychosocial support para sa mga apektadong manggagawa at pamilya; job matching at oportunidad sa trabaho sa mga lugar na walang gulo; skills retooling at tulong pangkabuhayan (livelihood assistance); social protection services, at mabilis na referral sa mga programa ng lungsod.

Pinapaalalahanan ng QC-LGU ang mga OFW na manatiling alerto at sumunod sa mga payo at direktiba mula sa Embahada ng Filipinas at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa kanilang kinaroroonang bansa.

Sinabi ni Mayor Belmonte, para sa mga OFW at kanilang pamilya na nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Quezon City Migrant Resource Center (MRC) sa ilalim ng QC PESO. Ito ang nagsisilbing one-stop help desk ng lungsod para sa mga OFWs at migranteng manggagawa. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

LTO Land Transportation Office

Suspensiyon ipinataw ng LTO vs 12 driving school, instructors, dahil sa certificate irregularities

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang akreditasyon ng 12 driving schools at …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …