Thursday , June 4 2026
Julia Montes Coco Martin

Julia naiyak sa ‘early birthday surprise’ ni Coco

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GULAT NA GULAT at naiyak si Julia Montes nang biglang sumulpot si Coco Martin habang nagpapaa-ayos ang aktres kahapon ng hapon.

Sa video post ni Julia na may caption na, “Early birthday surprise from my Palagi ❤️ Real Coco Martin,” kitang-kita ang pagkabigla ng aktres nang sumulpot si Coco dala-dala ang isang malaking cake na maraming strawberries sa ibabaw.

Actually, hindi napansin ni Julia ang pagpasok ni Coco sa room kaya nagulat ito nang biglang may kumanta ng ‘Happy birthday’ sa kanyang tabi. Nabigla ang aktres at napatayo mula sa upuan na inaayusan siya at saka nag-dialogue ng, “nakakainis kayo.”

Medyo lumayo pa ito malapit sa bintana at natatawang naiiyak sa sorpresang dala ni Coco.  Habang si Coco tawang-tawa sa reaksiyon ng aktres.

At paglapit ni Julia kay Coco nagpupunas na ito ng luha at sinabi ni Coco ang, “blow,blow (sa candle),”na pagka-ihip ng aktres sa kandila ay kasunod ang “I love you,” na turan pa ng aktor at saka nag-kiss sa lips ang dalawa.  Na sinundan ng hiyawan ng mga kasama nila sa kwarto.

Kasunod ng halik ay ang pagyakap ni Jula kay Coco habang ibinababa ang mabigat na cake. 

Dapat siya ang isu-surprise ko rito eh pinapunta n’yo agad, hindi pa tapos eh,” huling nasabi ni Julia.

Sa March 19, ipagdiriwang ni Julia ang kanyang ika-31 kaarawan.

Sa kabilang banda, sa Biyernes, march 13 magtatapos ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco. Kaya naman sa Lunes, March 16 maglulunsad ng bagong primetime lineup ang ABS-CBN.

Magbubukas ang primetime block ng ABS-CBN ng 8:00 p.m. sa pangunguna ng The Alibi nina Paulo Avelino at Kim Chiu susundan ng mystery drama na What Lies Beneath, 8:45 p.m. at pagkaraan ay ang South Korean romance drama na Love Scout, 9:30 p.m. nina LeeJun-Hyuk at Han Ji-min, na susundan ng Chines drama na Forbidden Flower ni Jerry Yan, 10:15 p.m..

Ang Sigabo nina Coco at Julia ay inilipat naman sa ibang petsa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …