Thursday , June 4 2026
Gun Fire

Sa Guiguinto, Bulacan,
Pulis todas sa bala, 1 pa sugatan

PATAY ang isang pulis habang sugatan ang isa pa matapos ang insidente ng pamamaril sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 8 Marso.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Librado Manarang, Jr., hepe ng Guiguinto MPS, kinilala ang biktimang si P/MSgt. Jose Uring na nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit ng Bulacan PPO.

Samantala, kinilala ang nasugatan na si Jorilyn Acedera, residente sa Brooklyn Heights Subdivision, Brgy. Panginay, sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nilapitan ng hindi kilalang gunman si Uring dakong 9:57 ng gabi matapos ang isang caucus para sa nalalapit na halalan para sa Home Owners Association ng Brooklyn Heights Subdivision at binaril siya sa likod ng kaniyang ulo saka agad tumakas mula sa pinangyarihan.

Ilan sa mga saksi ang nagbato ng upuan sa tumakas na gunman na muling nagpaputok ng baril sa mga tao hanggang tamaan si Acedera sa kaliwang tuhod habang ang suspek ay patuloy na tumakas patungo sa direksiyon ng Block 9.

Isinugod ang mga biktima sa Guiguinto Polymedic Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang pulis habang naka-confine si Acedera at ginagamot dahil sa tama ng bala. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …