Thursday , June 4 2026
LTO Land Transportation Office

Suspensiyon ipinataw ng LTO vs 12 driving school, instructors, dahil sa certificate irregularities

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang akreditasyon ng 12 driving schools at ang mga guro nito dahil sa iregularidad sa pag-iisyu ng sertipiko sa pagtatapos ng Practical Driving Course (PDC).

Bukod dito, nagpalabas ng Show Cause Order  (SCO) ang LTO sa mga paaralan at mga gurong sangkot sa pamamagitan ng Central Accreditation Committee on Driving Schools and Medical Clinics (CAC-DSMC) para magpaliwanag sa alegasyon.

Batay sa imbestigasyon, lumalabas na nag-isyu ang mga nasabing paaralan ng sertipiko sa mga estudyante na hindi sumailalim o hindi nakatapos ng mandatoryong walong (8) oras na practical driving instruction.

Ayon sa LTO, ang mga ganitong estilo ay paglabag sa LTO Memorandum Circular No. VDM-2023-2460, kabilang ang pandaraya (fraud), misrepresentation, maling paggamit ng akreditasyon, at hindi pagsunod sa mga itinakdang regulasyon. Sangkot din sa nasabing usapin ang mga gurong (instructors) nag-asikaso rito.

Inaatasan ang mga akusado na magsumite ng kanilang nakasulat na  paliwanag at mga kaukulang dokumento sa loob ng limang  araw mula sa pagkakatanggap ng SCO.

Ang hindi pagsunod dito ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang mapakinggan, at magpapatuloy ang Komite sa pagpapasya sa kaso batay sa mga hawak na rekord.

Habang sumasailalim sa imbestigasyon ang kaso, ang 12 paaralan at ang kanilang mga instructor ay isasailalim sa preventive suspension sa loob nang hanggang 30 araw. Sila ay mahigpit na pinagbabawalang magsagawa ng kahit anong aktibidad na may kaugnayan sa driver education, at hindi rin muna maaaring gumamit ng Land Transportation Management System (LTMS) para sa pagpoproseso o pag-iisyu ng mga sertipiko hangga’t wala pang pinal na desisyon, maliban kung ito ay bawiin o baguhin ng Komite. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …