Thursday , June 4 2026
Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng bala ng baril sa ulo mula sa hindi kilalang salarin sa isang tambayan ng mga bisexual sa Quezon City, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na sina alias BJ, 33 anyos, walang asawa, jobless, residente sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, at Jeco, 30.

Sa ulat ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 9:20 ng gabi noong Sabado, 7 Marso, nang maganap ang pamamaril sa Dike Pathway Riverview, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon nina PSSg Ajay G. Paras at PMSg George Caculba, isang saksi ang nagsabing nagpunta siya sa isang kilalang tambayan ng mga miyembro ng bisexual at nasalubong umano niya ang suspek na papaalis na sa lugar.

Nakipag-fist bump pa umano sa kanya ang suspek bago umalis, gayonman, napansin niyang parang balisa ang ekspresyon ng mukha nito.

Kasunod nito, tumuloy ang saksi sa pinanggalingan ng suspek at doon ay nadiskubre niya ang mga biktima na duguang nakahandusay at wala nang buhay.

Agad tumakbo ang saksi at tinawagan ang suspek sa pamamagitan ng kanyang telegram app upang tanungin kung ano ang nangyari, dahil siya lamang ang huling kasama ng dalawang biktima ngunit hindi umano sinagot ang kaniyang tawag.

Dahil dito, iniulat ng saksi ang insidente sa mga opisyal ng pulisya ng Border Control Point malapit sa lugar.

Dumating ang SOCO team ng QCPD sa pangunguna ni P/CMS Federico B. Manzano, at sa pagsusuri nakita ang mga tama ng baril sa ulo ng mga biktima.

Samantala, sinabi ng security guard sa lugar, habang nagro-roving ay nakarinig umano siya ng dalawang magkasunod na putok ng baril at agad niyang ipinaalam sa kanyang security officer.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen habang tinutugis pa ang salarin. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …