I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator na si Salome Salvi pati na ang vlogger na si Tyo Bri.
Paglabag sa probisyon ng Revised Penal Code kaugnay ng Cyber Crime Prevention Act ang inihain ng complainant na KSMBPI Task Force Anti Fake News (KSMBPI) represented by Dr. Michael Raymond Apacible Aragon Thru MKT Law Office.
Nakilala si Salome sa kasagsagan ng VMX movies hanggang sa kumalas na siya rito at naging adult creator na lumalabas sa Facebook ang clips ng video niya.
Hanapbuhay na ang paggawa ng sex acts ng ibang sexy stars. Halos lahat eh mga lalaki ang gumagawa ng adult content at sa babae, matapang si Salome sa pagsalang sa ganitong content.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com