RATED R
ni Rommel Gonzales
BIDA ang actor/musician na si Bogs Ardiente sa independent film na, Tingga na ipalalabas ngayong Sabado, March 7 sa Sine Film Festival Toronto (TIFF Lightbox).
Sa pelikula ay isang blue-collar worker si Bogs na magiging sunod-sunuran sa isang misteryosong boses na kokontrolin ang mga desisyon niya, hanggang sa makarating siya sa madilim na landas ng pagnanasa, panloloko, at panganib.
Kung kailan akala niya ay nawawala na siya sa sarili, biglang mawawala ang mahiwagang boses at iiwan siya para haraping mag-isa ang mga problema.
Sa desperadong paghahanap ng mga kasagutan, may matutuklasan siyang isang nakagigimbal na katotohanan na makapagpapabago sa lahat.
Ang Tingga ay idinirehe ni Filbert Wong at ang Siné Film Fest ay gaganapin March 6-8 sa TIFF Lightbox.
Samantala, going back to Bogs, bukod sa pag-arte ay passionate ito bilang isang musikero, isang kaliweteng gitarista at mang-aawit, ang banda niya ay naitampok na sa isang documentary at nag-tour na sa Toronto hanggang Montreal.
Ang mga music at performance highlights niya ay ang: Band documentary release,
Documentary tour mula Toronto hanggang Montreal, Upcoming concert sa March 21 at Filipino TV Studio, Upcoming Album Release ngayong taon, Performed at Taste of Manila, Performed at Extravaganza, Opened for major Filipino artists including Parokya Ni Edgar, Kamikaze, Nobita, Sponge Cola, Asin, Aegis, Ian Veneracion, at December Avenue.
Ang career goal ni Bogs ay maging isang matagumpay na artist sa pelikula at musika habang patuloy na pinatitibay ang kanyang pundasyon bilang isang matagumpay na negosyante.
Si Bogs ay isang Filipino actor, musician, songwriter, at performer na may matinding presence sa screen at sa stage.
Nagtapos ng kursong Bachelor of Science major in Criminology sa Jose Rizal University (at isang dating varsity tennis player) at ng High School sa Aurora National High School-SPA at sa Zamboanga del Sur Sports Academy, disiplinado, dedicated at competitive si Bogs bilang isang artist.
Ang mga talent at skill ni Bogs ay singing, songwriting, playing the guitar, live stage performance, athletics (tennis), at isang content creator maymahigit 30,000 followers.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com