Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado
PORMAL na ipinahayag ni NCRAA General Manager Buddy Encarnado ang pagbubukas ng liga. Nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Philippine Sports Commission chairman Patrick “Pato” Gregorio, na nagbigay-inspirasyon sa mga atleta.Pinagkalooban ng Plaque of Recognition si PSC chairman Pato Gregorio sa pangunguna ni NCRAA general manager Buddy Encarnado, NCRAA President, Mr Gerardo Sergio 111, kasama rin si Fr. Ashpaul Castillo, University Chaplain, DLSU-D at mga opisyal ng NCRAA Board.Ang laban ng DLSU-D (Seniors) at AIMS. (HENRY TALAN VARGAS)

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi sa pagbubukas ng 32nd season ng National Capital Region Athletic Association (NCRAA) basketball championship na ginanap sa Dasmariñas Arena.

Pinatumba ng Patriots ang Asian Institute of Maritime Studies (AIMS), 91-77, sa isang kapanapanabik na sagupaan. Samantala, dinomina ng Golden Tigers ang Emilio Aguinaldo College-Cavite, 88-69.

Pinangunahan ni Mark Cuevas ang DLSU-D sa kanyang impresibong double-double na 25 puntos mula sa 9-of-14 shooting, 11 rebounds, tatlong assists at tatlong steals sa loob ng 28 minuto.

Sumuporta sina Kerwin Urate (13 puntos), JM Beyong (11) at Ronroy Bunda (10) upang maselyuhan ang panalo ng Patriots.

Nag-ambag din sina Pieter Jeuken (8), Gio Santiago (7), Billy Dela Rama (6), Adrian Quinones (5), Andrei Delos Reyes (4), Sanjeev Mintu (2) at Tristan Rosales na may dalawang steals.

Sa panig ng Blue Sharks, nagtala si GJ Gurrea ng 17 puntos at limang rebounds habang nagposte naman si JB Makabenta ng triple-double na 16 puntos, 11 rebounds at 10 assists ngunit hindi ito naging sapat upang maiwasan ang pagkatalo. Nagdagdag sina Mclarenz Manahan (8), CJ Francisco (6) at CJ Anos (6).

Sa ikalawang laro, pinangunahan ni Mikael Borja ang Golden Tigers sa kanyang game-high na 23 puntos mula sa 9-of-15 shooting sa loob ng 25 minuto.

Nag-ambag si Christian Esberto ng 16 puntos, anim na rebounds at limang steals habang may 11 puntos at siyam na rebounds si Ventax Begenio. Nagtala rin si Criatino Gallardo ng 10 puntos, walong rebounds at limang assists.

Sa Vanguards, nanguna si Ken Quillao na may 20 puntos at tatlong rebounds habang nagdagdag si JR Ilustrisimo ng 11 puntos at 10 rebounds.

Pormal na idineklara ni NCRAA General Manager Buddy Encarnado ang pagbubukas ng liga, hudyat ng panibagong yugto ng matinding kompetisyon at pagkakaisa sa collegiate basketball.

Dumalo bilang panauhing pandangal si Philippine Sports Commission chairman Patrick “Pato” Gregorio, na nagbigay-inspirasyon sa mga atleta.

“Sa lahat ng atletang nandito ngayon, sana ang ambisyon ninyo ay maging national athlete patungo sa Southeast Asian Games, Asian Games at Olympics,” ani Gregorio. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …

Sung Hyun Park Golf

Golf Legend Sung Hyun Park nagpakitang-gilas sa Camp John Hay

BAGUIO CITY — Ibinahagi ng pitong beses na kampeon ng LPGA Tour na si Sung …

Galedo PhilCycling

Galedo, namayani sa PhilCycling Road National Championships 2026

HINDI matinag si Mark John Lexer Galedo sa individual time trial para sa Masters, habang …

Spikers Turf Voleyball

Cabstars bumawi, Griffins winalis sa tatlong set

Mga Laro sa Linggo (Filoil Playtime Centre) 1 n.h. – Cabstars vs Criss Cross 3 …

Pato Gregorio PSC

Sa gaganaping SAC Awards sa 8 Marso 2026
PSC chair Pato Gregorio magbabalik sa Cebu bilang panauhing pandangal

DADALO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Pato” Gregorio, sa 40th Sportswriters Association of …